Showing posts with label Magkaibigan. Show all posts
Showing posts with label Magkaibigan. Show all posts

Saturday, March 21, 2009

Elevator

Berto: Magkano ibabayad natin?
Ricardo: T*nga! B*bo! G*go! Ignorante! Bogok! Stupido! Walang utak! 'Di ka nag-iisip!
Bakit ka magbayad... Eh, wala pang kundoktor.

Thursday, March 5, 2009

Historical

Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya
Man2: Pare, baka ang ibig mo sabihin ay nag-Hysterical?
Man1: Hindi, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!"

Tikman

Pedro: Pare, tikman mo itong cake. Masarap! Gawa ng nanay ko.
Juan: Ikaw na lang titikman ko, pare.
Tutal gawa ka din naman ng nanay mo.
I Love You, Pare!

Monday, March 2, 2009

Medyas

Pedro: Pare, magkaiba medyas mo, isang pula at isang azul!
Juan: Ewan ko nga kung saan nabili ng misis ko ito. May isa pa
nga akong pares na ganito rin and kulay sa bahay.

Wednesday, February 18, 2009

Basketbolan

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Tado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodelio na parang kay Dado.
'Ikaw ba 'yan, Tado?' usisa ni Rodelio.
'Oo naman!' tugon ni Tado.
'Parang hindi totoo!' bulalas ni Rodelio. 'O, ano, meron bang basketbol
sa langit?'
Sagot ni Tado, 'May maganda at masama akong balita sa 'yo.
Ang maganda, may basketbol doon.
Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!'

Tuesday, February 17, 2009

Ugali

Bobo: Pare, hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pare: Approachable?
Bobo: Mali!
Pare: Amiable!
Bobo: Mali pa rin!
Pare: Oh sige, sirit na nga!
Bobo: Anest!

Wednesday, February 11, 2009

Junkfoods

Clark: Pare, pahiram ng P5, bibili lang ako ng CHUCHIRYA.
Bugsy: Pare, ano ka ba?! Nakahihiya ka!
Hindi chuchirya ang tawag du'n! Tanga!
Clark: Eh ano?
Bugsy: JUMPFUDS, pare!

Featured Post

Why Americans Should Never Be Allowed To Travel

The following are actual stories provided by travel agents: 1. I had someone ask for an aisle seats so that his or her hai...