Saturday, February 21, 2009

Alcoholic

An Alcoholic Son Wrote a Letter
BEER Dad,

GIN na ako iinom ulit,
WHISKY kelan.
tiTEQUILAn ko na!
TANDUAY mo yan,
pRHUMis po!

Your SAN,
MIGUEL.

Madre at Pari

Pari: Halika sa sulok.
Madre: Bakit po, fader?
Pari: Sara mo pinto.
Madre: Wag po!
Pari: Patayin mo ilaw!
Madre: Diyos ko po!
Pari: Kita mo rosary ko. Glow in the dark!

Assignment

Student: Ma'am, pagagalitan niyo po ba ako
sa bagay na hindi ko naman ginawa?
Teacher: Natural hindi.
Student: Good! Di ko po ginawa assignment ko!


Friday, February 20, 2009

Kumpisal

Pari: Anak, hind ka patatawarin.
Tomas: Ha! Bakit fader?
Pari: Kasi may kasalanan ka pa na hindi mo pa
binabanggit.
Tomas: Ano po yun fader?
Pari: Kaw ba kumuha ng perang donasyon sa
altar?
Tomas: Ano po iyon fader?
Pari: Kaw ba kumuha ng perang donasyon sa
altar?!
Tomas: Hindi ko talaga marinig fader, gusto niyo palit
tayo pwesto?
Pari: Oh, sige!
(ngpalit sila ng pwesto)
Pari: Sige! magtanong ka na.
Tomas: Kayo ba nakabuntis kay Ana na labandera?!
Pari: Ay, totoo nga, hindi marinig dito!

Math Confused

A boss confused about his Math and asked his secretary:
Boss: If I give you P3M less 17%, how much would you take off?
Secretary: Everything sir! Dress, bra, and panty!

Thursday, February 19, 2009

Kape

Customer: Miss, 'sang kape nga.
Waitress: Sir, 8 pesos na po ang kape namin.
Customer: Ay, bakit naman?
Waitress: Kasi po, mahal na ang gasolina.
Customer: Eh, di huwag mo na lang lagyan ng gasolina ang kape ko.

Late

TITSER: Bat ka na-late?
EDWARD: Nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.
TITSER: Tinulungan mo siyang maghanap?
EDWARD: Hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.

Dugo't Pawis

TEACHER: Mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay
ay galing sa dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: Eeewwww! Yuuuccck!

Wednesday, February 18, 2009

Talong

Anak: Mommy, hayop po ba ang talong?
Mommy: Di yun hayop anak, gulay yon. Bakit mo naman naitanong?
Anak: Sabi kasi ni yaya kay dad: "Hayop ang talong mo kuya, anlaki!"

Layasan

Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway Mabuti
pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa
siguro, sumama na ako sa 'yo!

Basketbolan

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Tado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodelio na parang kay Dado.
'Ikaw ba 'yan, Tado?' usisa ni Rodelio.
'Oo naman!' tugon ni Tado.
'Parang hindi totoo!' bulalas ni Rodelio. 'O, ano, meron bang basketbol
sa langit?'
Sagot ni Tado, 'May maganda at masama akong balita sa 'yo.
Ang maganda, may basketbol doon.
Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!'

Yabangan

Usapan ng dalawang mayabang....
Tomas: Ang galing ng aso ko!
Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

This entry was posted in

Tuesday, February 17, 2009

Denial King, Queen Pala

Isang binatilyo pumasok sa isang gay bar.
Nalaman ng nanay niya at nagalit...
Nanay: Ano naman ang nakita mo
dun na di mo dapat makita?
Binatilyo: Si Tatay po gumigiling.

Beauty Contest

Emcee: What's the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!

This entry was posted in

Ugali

Bobo: Pare, hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pare: Approachable?
Bobo: Mali!
Pare: Amiable!
Bobo: Mali pa rin!
Pare: Oh sige, sirit na nga!
Bobo: Anest!

Taning

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

Assignment

Josh: Kumusta ang assignment?
Zach: Masama. Wala akong nasagutan.
Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan?
Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

Featured Post

Why Americans Should Never Be Allowed To Travel

The following are actual stories provided by travel agents: 1. I had someone ask for an aisle seats so that his or her hai...