Showing posts with label Ina't Anak. Show all posts
Showing posts with label Ina't Anak. Show all posts

Saturday, March 14, 2009

Lakas Kumain

Nanay: Ang lakas mo kumain pero 'di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag 'yong baboy natin malakas kumain, natutuwa ka.
Sino ba talaga ang anak mo, ako o 'yong baboy?
Umayos ka 'nay! 'Wag ganyan!

Thursday, February 26, 2009

Madamdaming Sulat

Dear Anak,
Nagpadala na ako ng PhP50,000 pang tuition mo.
Ipinagbili namin ang kalabaw natin.
Ang mahal pala ng counterstrike na kurso.
Wala na rin pala tayong baboy,
naipagbili na rin namin para
sa sinabi mong project na iPhone,
ang mahal ng project mo anak!
Kasama din don ang PhP7,000 para
sa field trip mo sa Mall of Asia,
malayo ba yun, anak? Bakit mahal din?
Isasanla pa namin ang palayan para
mabili mo yong instrumentong Ipod Touch at PSP.
Napailaw nyo na ba yong pinagpupuyatan nyong
San Mig Light?
Sana anak makagraduate ka?

Nagmamahal,
Inay

Sampung Utos

Anak: Inay, ano po ba 'yong 10 commandments?
Nanay: 'Yon yung sampung utos ng Diyos.
Anak: Mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
Nanay: Bakit naman?
Anak: Ang dami niyong utos, eh!

Wednesday, February 25, 2009

Zero Balance

Ina: Anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon.
Pauwiin mo dito.
[pagkatapos tawagan.]
Anak: Inay, babae po ang sumagot.
INA: Lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: "you only have zero pesos in your account..."
hindi ko na tinapos 'nay mukhang matapobre.

Tuesday, February 24, 2009

Nakatipid

Takbong pumasok ng bahay si Mario.
Pagud na pagod, pero masayang-masaya.
Nagmamayabang pa sa ina.
"Nanay! Nanay! Nakatipid ako ng siete singkwenta."
"Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.
"Aba'y 'di ako sumakay ng dyip.
Sumabay lang ako ng takbo.
Kaya't nakatipid ako ng seven-fifty!"
"Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo!"
"Eh di mas malaki sana ang natipid mo!"

Featured Post

Why Americans Should Never Be Allowed To Travel

The following are actual stories provided by travel agents: 1. I had someone ask for an aisle seats so that his or her hai...