Showing posts with label Pulis Jokes. Show all posts
Showing posts with label Pulis Jokes. Show all posts

Thursday, August 12, 2010

Panalangin

Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.

Pulubi: "Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na po ako."

Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: "Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain".

Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas".


Thursday, March 19, 2009

Pulis at Chinese

Pulis: 'Eto bayad ko sa kape.
Chinese: Aba, bakit ka bayad?
Pulis: Utos ni chief, wala nang kotong.
Chinese: Aba sige, simula ngayon hindi na ako dura sa kape mo.

Sunday, March 15, 2009

No Parking

Pulis: Bakit ka pumarada dyan?
Hindi mo ba nakita ang “no parking” sign dyan?
Lalake: Nakita ko po, kayo po ang hindi ko nakita!

Thursday, March 5, 2009

Pulis at Intsik

Pulis: Boss konting abuloy lang, may namatay na pulis.
Intsik: Ako malaki migay amuloy masta alaw-alaw melon pulis paktay oke.

Tuesday, March 3, 2009

Kiss Muna

Pulis1: Pare alam mo na ba ang usap usapan
Pulis2: Bakit pare?! Anong balita?
Pulis1: May bading daw sa campo.
Pulis2: Sino daw pare?
Pulis1: Sasabihin ko. Pero, kiss muna!!

Featured Post

Why Americans Should Never Be Allowed To Travel

The following are actual stories provided by travel agents: 1. I had someone ask for an aisle seats so that his or her hai...